Pagmamahal Nabulid ng Dugo
I- Paghihirap ay di alintana sa iyo inay
Ngalay man ang mga palad sa kahihintay
Pikit mata pa ring sinasalo kahit walang karamay
Ohhh inang kalikasang pagmamahal mo'y tunay
II- Salat sa pagpapahalaga ang iginanti sa iyo
Yamang hatid mo'y kanilang inaabuso
Pawang alay sa iyo'y sakit ng ulo
Magkaganun man ina, puno ng pagmamahal sa puso mo
III- Larawan ng pagmamahal nabulid ng dugo
Mugto ang mga matang puno ng siphayo
Lugmok man sa pagdurusang dulot ng tao
Pilit mo pa ring kinakaya upang manatiling nakatayo
IV- Inang kalikasan huwag mo kaming bitiwan
Marubdob na kalinga mo'y siyang kailangan
Hamo pagsisisi't pagkamulat ng sambayanan ay asahan
Kunting tiis pa oh! aming inang kalikasan
.
TumugonBurahin